Hello,
I just want to be quick about this one, I was cleaning my laptop files and I saw this piece I wrote as an exam for a past job. I think this one was actually why I got in. The challenge of the creative director was simple - I have to choose an object inside my bag and create a fictional story about it. But first he asked me to write in Filipino, which I speak fluently but I can't write well at (It's actually a frustration for me to be not good in writing Filipino)
So all I had in my bag that interview was a bottle of perfume and velcro wallet. I chose the perfume.
And I would just like to share with you this very very short story I wrote about that perfume. It's only 800 words long, so, happy reading!
This photo illustrates how I conceptualized the story, out of nowhere. |
"C.K. Juan"
Dalawang
Gwardiya - Ang bagitong si Calvin, payat ang pangangatawan, matangkad,
mistulang kalansay at liliparin sa isang bugso ng malakas na hangin. At si
Klein, ang senior officer ng kanilang hanay, maliit na nilalang, at ubod ng
laki ang tiyan na animo’y puputok ang butones ng kanyang uniporme. Sila ang
tagapag bantay ng Busilak Perfume Factory sa may Novaliches.
Hatinggabi, sa
harap ng gate, malamig ang hangin, gawa ng palapit na ang panahon ng pasko,
lumapit ang bagitong si Calvin kay Klein. “Sir, tayo lang ‘ho dalawa
magbabantay sa factory?” ang tanong niya. “Hindi ah, dapat nga ikaw lang eh,
dahil baguhan ka dito, sasamahan kita sa unang gabi mo rito, marami kang
kailangang matutunan nang mabilisan dahil ayoko na sa puyatan, nananakit na ang
likod ko sa ganitong oras.” Tinitigan ni Calvin ang maka-mundong hugis ng tiyan
ni Klein at napaisip na lamang na malamang iyon ang dahilan ng pananakit ng
kanyang likod. “Ang bigat ho kasi ng bagahe niyo,” ang sabi ni Calvin, nakita
ni Klein na ang tinutukoy ni Calvin ay ang kanyang tiyan. “Hoy Calvin! Bunganga
mo naman, kaya kitang punitin sa nipis ng pangangatawan mo, tara na nga’t
malaki ang factory, marami tayong iikutan.”
Nilibot ni
Klein si Calvin sa Busilak Perfume Factory, magmula sa pinakaharapan na gate ay
nilibot nila ang buong looban ng pabrika. “Magmula alas-nuebe ng gabi, hanggang
alas-kwatro ng madaling araw, iyo ang pabrikang ito, sa iyo ipinagkakatiwala ng
kompanya ang lahat ng nasa loob ng nasasakupan dito. Ikaw ang Mayor ng Busilak
kapag hatinggabi. Ituring mong sariling iyo ang lahat ng naririto, bantayan mo
ito na parang sarili mong bahay, at higit sa lahat, talasan mo ang iyong
pandinig, at balatan mo ang iyong mga mata, maraming nagmamasid, naghihintay ng
pagkakataon na magnakaw.” “Sir, yes, sir! Ang laki pala ng loob nito, mahirap
umikot dito ng walang wheels, wala ba tayong pa-wheels diyan sir?” ang tanong
ni Calvin. “Wheels? Halika rito,” ang sagot ni Klein, “Eto, mamili ka ng wheels
mo, etong bisikleta na iisa nalang ang gulong sa pagkaluma, o etong skateboard
na nakuha namin sa trespasser? May wheels, wheels ka pang nalalaman diyan, may
pa-radyo at thermos naman kami eh, kaya competitive ang benefits mo dito.”
Pinasok nila
ang main building ng pabrika, at sa loob nito ay ipinakita ni Klein kung pano
gumawa ng ng pabango ang pabrika. “Alam mo, sa tatlong dekada ko nang serbisyo
dito ay walang nabago sa proseso ng kanilang paggawa ng pabango, tatlong dekada
ko nang sinisinghot ang halimuyak ng kanilang pabango, at pag naaamoy ko ito’y
sumasabay sa aking ala-ala ang nakalipas na tatlong dekada kong pagbabantay
dito,” ang pagkuwento ni Klein. “Ang tanda niyo na pala noh? Kaya pala
hinahanap ko kung san yung amoy lupa,” ang pabirong pag sabi ni Calvin. “Hoy,
Calvin, iyang bunganga mo susungalngalan ko ng pabango yan hanggang sa bumango,
bwiset ka!”
Inakyat nila
ang lumang torre na yari sa laryo sa gitna ng pabrika. “Alam mo, Calvin,
panahon pa ng kastila itong torre na ito, ayaw tanggalin ng may-ari dahil
swerte daw sa kanya ito, napapansin ang kanyang pabrika.” “Ang ganda ng tanawin
dito, at mahangin, kitang-kita ko rin ang buong paligid ng pabrika,” ang sabi
ni Calvin.
Napansin ni
Calvin na tahimik lamang na nagmamasid si Klein sa kawalan at tila may mabigat
na iniisip. “Ser, ganda ng drama angle niyo diyan ah, pwedeng pang kalye-serye,
Alden Nitso, ikaw ba yan?”
“May
pangarap ka ba, Calvin?” ang tanong ni Klein, “Dito, sa loob ng pitong oras
nagiging sa iyo ang pabrika, babantayan mo ito, ngunit pag putok ng umaga’y sa
kanila na ulit, pangarap ko noon na magtayo ng kagaya nito, isang pagawaan ng
pabango, sa pabrika na ito ko rin nakita lahat ng pagkakamali sa paggawa ng
isang pabango.” “Anong pagkakamali?” ang tanong ni Calvin.
“Ang bote
dito, kulay berde’t madilim sa mata, ang korte nito ay bilog parin, ang aking
gusto ay papayatin ang bote, parang ikaw, at nakagawa na ako ng mas mabangong
halimuyak na siguradong papatok. Sa tagal ko rito ay natutunan ko narin kung
paano gumawa. Natatakot lang ako magsimulang muli, wala akong kasama, at kulang
ako sa pera.” Ang sabi ni Klein.
“Sir, may
alam ako sa pagpapatakbo ng negosyo, may tindahan kami, at may kilala din akong
gumagawa ng bote, pwede natin doon ipayari yun, may ipon din ako, pagsamahin
natin ang pera natin at bumuo ng negosyo,” ang paanyaya ni Calvin.
“Ano
itatawag natin sa negosyo natin? Pagtatanong ni Klein. “Dapat kakaiba, dapat
astig, pang-first class ang dating, parang pangalan natin. Calvin at Klein… Edi
Calvin Klein! Pang-international ang pangalan natin diba.”
“Ano naman
itatawag natin sa pabango natin?” “Sir, sa tingin ko “One” dahil una natin eh,
‘Calvin Klein One’ ang itawag natin.” “Nako Calvin, mahaba – “CK One” ang
itatawag natin diyan.”
At diyan
nagsimula ang alamat ng Calvin Klein.
No comments:
Post a Comment